Sunday, December 7, 2008

emoticons...

worried lang ako sa mga mangyayari sa susunod ng mga araw...
di ko alam kung ano mangyayari, di ko alam kung saan papunta, di ko alam kung bakit kailangan ko pa ibahagi ito dito sa aking mumunting blog...

takot ako sa patutunguhan ng aking kawalan ng tiwala...

pinipilit kong magtiwala para sa gayon ay mas maging maayos ang lahat,
marahil dala na rin ito ng mga bagay na di ko kayang ibigay o gawin...

mga kakulangan na maaring di problema sa ngayon ngunit sa kalaunan maaring maging sanhi ng pagwawakas ng isang kwento...

kung magkagayon man, matatanggap ko ito...

hindi madali pero kailangan tanggapin...


'''emote-emotan...

3 comments:

  1. Kung ang bawat kwento ang may mga dalang maganda at pangit na istorya, lahat naman ito ay may-aral at may bagay kang matutunan. Magwakas man ang isang kwento sa maganda o pangit man. Sa bawat wakas may panibagong simula. Hindi lahat ng pagwawakas ay ibig sabihin ay wala ng kasunod, kung ito'y dumating sa punto ng iyong buhay. Hayaan mo ang simulang ito ang ang magbigay sayo ng panibagong buhay na kailangan magwakas na naayon sa kalooban ng nakakataas. YOu get what i mean. it's hard to write in tagalog... heheheheh

    ReplyDelete
  2. Ah! ah! Ano ito? Emote emotan? well, wag na wag mag salita ng katapusan, kahit ang pelikula na maganda at pinilahan sa pinilakang tabing ay laging may part 2, 3 or 4 pa! Minsan may parody sequel pa. Gimmik lang katapat nyan pardz! Relax! See a movie... Sama kami syempre. Hehe! Grabe jai, nose bleed. weeeee!

    ReplyDelete
  3. uncertainties bring fears..
    acceptance leads to understanding..
    may u find enlightenment along the way..

    ReplyDelete