Saturday, November 1, 2008

all saints day

simula ito ng bagong araw, bagong umaga, bagong pag-asa, bagong buhay...
masaya ako, pero may takot pa rin akong nararamdaman, dahil sa bawat umpisa ay mayroong nagwakas... at hindi natin malalaman kung kailan magwawakas ang isang sinimulan... ngunit kailangan nating tandaan na ang lahat ng ito ay may katapusan...
para sa mga tinamaan, nasagasaan, nasapol, at nahagingan... pasensya na kayo, wala sa intensyon ng sumulat ang makapanakit ng damdamin ng ibang tao... ngunit sa kadahilanang hindi natin ito kayang iwasan, tanggapin na lang ang kapalaran... tignan sa positibong pananaw ang bawat pangyayari sa ating buhay... para magkaroon ito ng kulay...
sa aking sinimulan, hindi dito nagtatapos ang mga hamon ng buhay, pilit ko ihahahanda ang aking sarili sa pangyayari ngayon ko lang mararanasan... Kailangan kong buksan ang aking isipan sa mga ito... Para sa gayon ay hindi ko pagsisihan ang lahat ng ito sa bandang huli...