Monday, February 2, 2009

Hay Buhay...

sa pag-gising sa umaga, na-iisip mo kung papasok ka o hindi...
pero wala ka namang choice kundi pumasok or
mag sick leave kung meron ka pang available na leave...

kahit pikit pa ang mga mata mo eh diretso ka na agad sa banyo...
mag bbrush ng teeth tapos mauupo sa favorite seat in the house,
at mag lalabas ng sama ng loob...

pagkatapos maligo, pandesal at kape para sa almusal, kase walang magluluto para sa'yo...

sa pagbibihis, problema kung wala kang sistema...
di mo maalala kung kailan mo huling sinout ang damit na isusuot mo....
then mare-realize mo na lang na nasuot mo na sya last week...
wala ka na magagawa nasa pila ka na ng FX eh...

sa terminal ng fx-ayala...
wag patanga-tanga, hanapin ang dulo ng linya,
wag sumingit (mabaho ang singit) makasingit ka man ngayon,
sigurado kinabukasan matutunaw ka sa mga tingin ng ibang pasahero na ginulangan mo kahapon...
gudlak na lang sa'yo dahil baka bigla kang maghanap ng ibang terminal na pipilahan mo papunta sa trabaho...

pagdating sa opisina, magtatrabaho ka buong araw kasama ang taong ayaw mo makita o maamoy man lang...

Ang tanging kaibigan mo lang eh ang yung PC...
na merong naka install na villagers na inaalagaan mo... hehehe...

laging naka tingin sa relo kung lunch break or coffee break na...
at syempre kung oras na ng uwian...

kung kailan malapit na ang oras ng uwian,
saka ka naman biglang may papagawa s'yo na kailangan ding matapos agad...

pagkatapos mo magtrabaho...
kailangan mo naman makipag siksikan sa mrt papunta sa iyong destinasyon...
swerte mo kung makalabas ka agad ng train na may sapatos at bag ka pa...

pagdating sa bahay...
parang ayaw mo na maghapunan at mas gusto mo na lang mahiga at matulog na...

kinabukasan ganun ulit... paulit ulit lang...
bahala ka na kung gusto mo ibahin.

... laging nakitingin sa kalendaryo kung malapit na ang sabado at kung kailan ang holidays...
at kung malapit na ang payday...

ganyan ang buhay natin...


--inspired from a friends email entitled Our Life...