Tuesday, February 17, 2009

Sonya's Garden again...



We went to tagaytay just to experience Sonya's Garden, it was my boss's debut(senior citizen card holder na sya...). Medyo naligaw lang kame ng konti lang kase naiwan sa office yung map... We ask people along the way na lang...

Maganda yung place, fine dining ang setting pero para ka lang kumakain sa garden...

Sosyalan ang setting kaya maraming bloopers:

Ang dami plato, kala namin yung small plate para sa bread yun pala para sa salad yun...

We asked na lang for another plate para sa pasta, kase nagamit na namin yung plate para sa pasta...

Tapos yung isa muntik pa mag reklamo, kase pag upo namin nakita nya agad yung baso nya na may dahon sa loob, so tinanggal nya baka kase may lumipad lang galing dun sa garden... Pero we noticed na lahat ng baso namin eh meron din... So pinulot nya ulit yung dahon at binalik sa baso nya, "sorry sadyang may dahon pala" sabi nya...

Yung isa naman ginamitan ng tinidor ang bread... ahihihi...

Malinis ang restroom, may towel, soap at toilet tissue...

Malaki ang parking, hanap ka lng ng shaded area para di mainitan car mo on noontime...

Mabilis ang service, laging may available na waiter... laging may refill...

Masarap ang food, Eat all you can for 610 pesos... Inclusions: Bread,Green Salad,Pasta and dessert plus Bottomless Dalandan Juice or Taragon Tea... Its all unlimitted...

Na-enjoy ko yung bread(wheat bread) , it comes with a lot of dips and toppings(6 or 7 ata) pero nagustohan ko lang eh yung basil pesto at white cheese(kesong puti)... meron isa kala ko caviar... sus peppercorn pala... yung isa naman parang ensalada lang...

Tapos yung green salad, the best talaga(fresh na fresh talaga)...

sarap ng dressing(sonya's secret dressing)...

meron pang edible flowers, di ko tinikman feeling ko goat ako, hehehe...

sobrang na-enjoy ko talaga yung salad kaya nung dumating yung pasta parang ayaw ko na kainin dahil sa sobrang kabusugan... di ko na sya na enjoy... antay na lang ko ng dessert...

for the dessert:

1. Glazed sweet potato... pangalan pa lang sosyal na... sus kamote fries lang pala... pero masarap compared dun sa nabibili kapag merienda time dito sa jollijeep sa makati...

2. Banana rolls with sesame & jackfruit... pangmayaman ang dating... eh turon lang pala yun... yun pala yung nakita ko sa kabilang table, kala ko lumpiang shanghai...hehehe... masarap din sya, di sya nakaka umay.

3. Smashingly sinful homemade chocolate cake from the Panaderia(enjoy w/ mint leaves)... sarap din to, di sya super sweet... kahit bawal sa akin chocolate sige lang kain ng kain...

Sarap ng sonya's garden experience, babalik ako doon, dadalin ko asawa ko... meron din kase sila cottages where you can stay overnight and there is a spa also...



visit their website http://www.sonyasgarden.com/ for more info...

Sonya's Garden

At Sonya's Garden, on your way to the restroom,
ito ang makikita mo... its like saying, "this way pls..."
Ganda yung restroom nila, overlooking kapag jumebs ka...