Wednesday, December 17, 2008

emoticon 2 - (zakeet sa u-low)


"Sorry na!"... Bakit minsan ang hirap sabihin ng katagang ito... Lalo na kung alam mo sa sarili mo wala ka namang nagawang mali... at hindi ikaw ang dapat pagbuntunan ng sisi... Pero kahit ganun pa man, pipilitin mo pa rin mag-sorry dahil sa iyong palagay ay yun lang ang paraan para patawarin ka nya... and that you value yung relationship much more than sa personal ego mo...


Lalo pang nagiging mahirap mag-sorry kapag di nya matanggap ang apology mo... kahit sobrang guilty ka na sa mga nagawa mo... Isang daang beses mo na ata sinabi ang "I'm Sorry!" pero galit pa rin sya... Sasabihan ka pang "Ganun lang ba kadali yun?."...


Hirap kaya nun, di mo alam kung ano gagawin mo...


Kahit lunukin mo na lahat ng pride mo sa pag admit na its all your fault, and promised not to do it again...


Pero wala pa rin effect, babalikan ka pa ng tanung na "Alam mo naman siguro nararamdaman ko diba? Naiintindihan mo naman ako di ba?"... syempre sasagot ka ng oo naiintindihan kita kahit hindi naman talaga...


Di mo na alam gagawin mo kundi ang tanungin sya kung ano ang maari mong gawin para itama ang iyong pagkakamali at ng matanggap nya na ang apology mo...


Mas magiging mahirap humingi ng sorry kung hindi nya babaan ang pride nya, kahit halos lahat ng pride mo eh kinain mo na... hay buhay...


--emote mode