Wednesday, July 15, 2009

Messy Office...

Messy office symbolizes an organized mind... yeah I agree...
And there a belief that a messy office is a sign of creative mind...
Wag na kumontra, blog ko to. hehehe...

Kahit sobrang unorganized ng working area mo, basta alam mo kung san nakalagay yung gamit mo, messy pero you know everything is...

I know some people who has desk looks clean, pero they just put it in their drawers, just shove it under. sometimes they put labels on it pa pero when they need it, they forget where they put it... hehe...

Other says that your desk symbolizes you state of mind... what the f$$$!!! how about those people who has a clear or empty desk... what does it says?... peace out...

Saturday, July 11, 2009

Ms. Polly's Chocolate Cake


The best chocolte cake I ever tasted, we bought it in a gas station in magallanes. Unusual place to find a yummy dessert. The price is reasonable.




I can eat the whole 8x8 inch cake in one sitting, its dark, sweet and moist. Yummy talaga, its a taste to remember...

Friday, July 10, 2009

Lunch Out... Giligans


New Value Meal...


calamares, pork sinigang,pork sisig and binagoongang talong.


Ayaw namin magutom, kahit tight ang budget kain lang ng kain...

Laser Tag...


Thanks to "How I met your mother", that's where I saw Laser tag, well thanks to toj and gary for generously giving us a copy of this US TV series...
july 9, 2009, after work we went to market market to try laser tag, but we went home first to changed, put on our battle gear, hehehe basically comfy outfit that will allow you to move(stay away from white outfit)... thanks to MJ and Shiela for patiently waiting for us... (wala kaseng pants yung isa... kaya matagal... peace!!! )
Everybody is sobrang excited, they made a bet pa that I will be the lowest scorer. Ganun na nga nangyari, though I ranked 11th of 12, still I'm 50 points behind shiela and 100 points behind MJ, Toj ranked 2nd and Gary got the highest score... Deym! kulelat na nga, nadapa pa... huhuhu... In my defense, its really dark inside the arena, there are specks of paint on some walls, laser lights on some areas and neon lights on our vest. I even hit the wall a couple of times(poor blind guy). I cant recognize my team mate, I just basically shoot everything that moves... Then you'll just hear MJ's voice, "ako to, kampi tayo", I think she hide in one corner for the whole 15 minutes (and I can hear her saying "wait lang! wait lang")... hehehe peace!!!

I wasn't able to choose a cool name, I got "Lithos". well what the heck... its really addicting and super fun...(its like playing baril-barilan when I was a little kid)... Its also a good workout, You should do some stretching before the game to avoid injuries. hehehe...
The game is not free, its 170 pesos on mon - thur and 190pesos on fri - sunday... Its a 15 minute game, you'll get a free iced tea if you ranked 1. Laxer Xtreme is in market market 4th floor....

Babawi ako sa next game, "babangon ako at dudurugin kita, grrrrrr"...

Friday, April 17, 2009

the attack of the "Kargadors"...

Mesa in greenbelt... kuya isa pang rice pls!...


greenwich after java training... wohoo! libre ni JP...

top grill in jupiter... "thank you for coming to my concert..."
"masarap pala ang cheese sticks sa rice..."


starbucks tagaytay... "you want some...?"

binder attacked... "wala na...!"


pamana tagaytay... "this is my lola...!"

Tuesday, February 17, 2009

Sonya's Garden again...



We went to tagaytay just to experience Sonya's Garden, it was my boss's debut(senior citizen card holder na sya...). Medyo naligaw lang kame ng konti lang kase naiwan sa office yung map... We ask people along the way na lang...

Maganda yung place, fine dining ang setting pero para ka lang kumakain sa garden...

Sosyalan ang setting kaya maraming bloopers:

Ang dami plato, kala namin yung small plate para sa bread yun pala para sa salad yun...

We asked na lang for another plate para sa pasta, kase nagamit na namin yung plate para sa pasta...

Tapos yung isa muntik pa mag reklamo, kase pag upo namin nakita nya agad yung baso nya na may dahon sa loob, so tinanggal nya baka kase may lumipad lang galing dun sa garden... Pero we noticed na lahat ng baso namin eh meron din... So pinulot nya ulit yung dahon at binalik sa baso nya, "sorry sadyang may dahon pala" sabi nya...

Yung isa naman ginamitan ng tinidor ang bread... ahihihi...

Malinis ang restroom, may towel, soap at toilet tissue...

Malaki ang parking, hanap ka lng ng shaded area para di mainitan car mo on noontime...

Mabilis ang service, laging may available na waiter... laging may refill...

Masarap ang food, Eat all you can for 610 pesos... Inclusions: Bread,Green Salad,Pasta and dessert plus Bottomless Dalandan Juice or Taragon Tea... Its all unlimitted...

Na-enjoy ko yung bread(wheat bread) , it comes with a lot of dips and toppings(6 or 7 ata) pero nagustohan ko lang eh yung basil pesto at white cheese(kesong puti)... meron isa kala ko caviar... sus peppercorn pala... yung isa naman parang ensalada lang...

Tapos yung green salad, the best talaga(fresh na fresh talaga)...

sarap ng dressing(sonya's secret dressing)...

meron pang edible flowers, di ko tinikman feeling ko goat ako, hehehe...

sobrang na-enjoy ko talaga yung salad kaya nung dumating yung pasta parang ayaw ko na kainin dahil sa sobrang kabusugan... di ko na sya na enjoy... antay na lang ko ng dessert...

for the dessert:

1. Glazed sweet potato... pangalan pa lang sosyal na... sus kamote fries lang pala... pero masarap compared dun sa nabibili kapag merienda time dito sa jollijeep sa makati...

2. Banana rolls with sesame & jackfruit... pangmayaman ang dating... eh turon lang pala yun... yun pala yung nakita ko sa kabilang table, kala ko lumpiang shanghai...hehehe... masarap din sya, di sya nakaka umay.

3. Smashingly sinful homemade chocolate cake from the Panaderia(enjoy w/ mint leaves)... sarap din to, di sya super sweet... kahit bawal sa akin chocolate sige lang kain ng kain...

Sarap ng sonya's garden experience, babalik ako doon, dadalin ko asawa ko... meron din kase sila cottages where you can stay overnight and there is a spa also...



visit their website http://www.sonyasgarden.com/ for more info...

Sonya's Garden

At Sonya's Garden, on your way to the restroom,
ito ang makikita mo... its like saying, "this way pls..."
Ganda yung restroom nila, overlooking kapag jumebs ka...

Saturday, February 14, 2009

...happy valentines day...

Spread the love... ahihihi...

Wednesday, February 4, 2009

bulag... pipi... at bingi...


mag bubulag-bulagan na lang...

madalas mas pinipili ko na lang di makita o di tignan ang mga bagay na sa tingin kong makaka-bad trip lang...

mga bagay di na dapat pang ipakita at makita...

kahit nasa harapan ko na, pinipilit kong di alayan ng tingin...

(baka naman malabo lang talaga mata ko... hehehe...)


di na lang ako magsasalita...

kasi di rin naman maganda sasabihin ko eh...

hayaan nyo na lang akong manahimik para walang gulo...

(baka isulat ko na lang hehehe...)


ayaw kong marinig...

di pa kase ko handa sa maririnig ko kaya ayaw ko pa...

saka mo na lang sabihin, kapag kaya ko nang tanggapin...

malamang eh di ko rin maintindihan sasabihin mo...

(lalo na kung tungkol sa utang ko... hehehe... wag ka mag-alala, konting panahon pa eh makakalimutan ko din yun...hehehe)

Monday, February 2, 2009

Hay Buhay...

sa pag-gising sa umaga, na-iisip mo kung papasok ka o hindi...
pero wala ka namang choice kundi pumasok or
mag sick leave kung meron ka pang available na leave...

kahit pikit pa ang mga mata mo eh diretso ka na agad sa banyo...
mag bbrush ng teeth tapos mauupo sa favorite seat in the house,
at mag lalabas ng sama ng loob...

pagkatapos maligo, pandesal at kape para sa almusal, kase walang magluluto para sa'yo...

sa pagbibihis, problema kung wala kang sistema...
di mo maalala kung kailan mo huling sinout ang damit na isusuot mo....
then mare-realize mo na lang na nasuot mo na sya last week...
wala ka na magagawa nasa pila ka na ng FX eh...

sa terminal ng fx-ayala...
wag patanga-tanga, hanapin ang dulo ng linya,
wag sumingit (mabaho ang singit) makasingit ka man ngayon,
sigurado kinabukasan matutunaw ka sa mga tingin ng ibang pasahero na ginulangan mo kahapon...
gudlak na lang sa'yo dahil baka bigla kang maghanap ng ibang terminal na pipilahan mo papunta sa trabaho...

pagdating sa opisina, magtatrabaho ka buong araw kasama ang taong ayaw mo makita o maamoy man lang...

Ang tanging kaibigan mo lang eh ang yung PC...
na merong naka install na villagers na inaalagaan mo... hehehe...

laging naka tingin sa relo kung lunch break or coffee break na...
at syempre kung oras na ng uwian...

kung kailan malapit na ang oras ng uwian,
saka ka naman biglang may papagawa s'yo na kailangan ding matapos agad...

pagkatapos mo magtrabaho...
kailangan mo naman makipag siksikan sa mrt papunta sa iyong destinasyon...
swerte mo kung makalabas ka agad ng train na may sapatos at bag ka pa...

pagdating sa bahay...
parang ayaw mo na maghapunan at mas gusto mo na lang mahiga at matulog na...

kinabukasan ganun ulit... paulit ulit lang...
bahala ka na kung gusto mo ibahin.

... laging nakitingin sa kalendaryo kung malapit na ang sabado at kung kailan ang holidays...
at kung malapit na ang payday...

ganyan ang buhay natin...


--inspired from a friends email entitled Our Life...

Sunday, January 18, 2009

too close...





I realized something today...

that being alone sometimes gives you space to grow...

sometimes its hard to grow when your to close to someone...

make sense di ba...

parang punong kahoy lang yan,
sa pagtatanim nito,

kailangan malayo sila sa isa't isa

para may space to spread their branches

kapag nag-mature na...

ang hirap pala maging punong kahoy...




Thursday, January 15, 2009

More Bday Greetings...

Weh! Tama ba naman ito? puro bday greetings ang blog na ito... ahihihi...

Pasensya na po dahil ako ay busy sa paghahanap buhay sa mga panahong ito...

Kaya puro birthday greetings muna... baka magtampo kapag di ko binati...

ito na:

Happy Birthday po

Sir Apo, Jan 14...
Nag txt ako kay sir apo ng Happy birthday... Ang sagot ba naman eh "Who you?"... weh!... hehehe... Lagi na lang nabubura ang fonebuk... Pero ang ending eh pina-pirate ako sa trabaho ko... hehehe...

Charlie B. Jan 13...
Happy Bday cha... Sya ang tagahanap ko ng trabaho(taga refer kung baga)... Sya din taga hanap ko ng boarding house... hehehe... "Uy yung application ko, ano na nangyari?"

Saturday, January 3, 2009

Happy Birthday JAM...

Happy Birthday Juncel A. Manzana...
happy birthday sabi ni Pichay...
he wishes you the best of everything...
its your year... year of the nose... este ox pala... ahihihi.... peace...

Censia na at hindi ako nakasama sa pagsalubong ng birthday mo...
eto na lang pangbawi ko kahit papaano... ahihihi... wala ka na sa february... ahihihi...
happy birthday ulit from ur Kabixos... we wish you good health and more wealth... sana wedding bells naman sunod... ahihihi...

Friday, January 2, 2009

2009... Year of the ?


Last year is the year of the Rat...

Eh ngayong 2009, year of what?
Di ba year of the Ox,


Eh bakit may snake ako nakita... as in ahas...




Pero yung snake na nakita ko eh kamukha neto...




















hehehe...




-kilala 'to ng BOD...